Kapitapitagang Alfredo Maria Obviar

BISHOP OBVIAR is now VENERABLE A step closer to his BEATIFICATION and CANONIZATION

Ang Libingan ni Obispo Obviar ay isa na ngayon sa mga Pilgrimage destination at dalanginan. Marami na ang naitatalang mga biyaya na natanggap sa pamamagitan ng pananalangin sa Banal at Kapitapitagang Alfredo Maria Aranda Obviar

Maikling TalambuhayAng Kapitapitagang Lingkod ng Dios Alfredo Maria Aranda Obviar siya ay ipinanganak sa Mataas na lupa sa Lipa, Batangas noong ika-29 ng Agosto 1889. Katesismo-Ebanghelisasyon ang siyang naging pananaw sa buhay ni Obispo Obviar.Noong 1907, pumasok siya sa St Francis Xavier Seminary, nagtapos ng Liberal Arts sa Ateneo de Manila at nag-aral ng teolohiya sa UST Pontifical Seminary.Inordenahan siya ng Lubhang Kgg. Obispo Alfredo Verzosa, noong ika- 15 ng Marso, 1919 at itinalagang Kura Paroko sa Bayan ng Malvar. Dito'y ginugol niya ang kanyang panahhon sa pananalangin para sa kanyang mga parokyano at sa pagtuturo ng Katesismo. Dahil sa sipag at dedikasyon na ipinakita ni Padre Obviar siya'y itinalaga na maging Kura Paroko sa Katedral ng Sebastian sa bayan ng Lipa. Dito niya lalong pinagyaman at pinalawak ang saklaw ng Katesismo. Binigyan pansin rin ni Padre Alfredo Obviar ang kahalagahan ng sakramento ng kumpisal na mgaing ang sariling buhay handang ilaan para dito. Itinalaga rin siyang Bikaryo Heneral sa Diosesis ng Lipa at noong ika-29 ng Hunyo, 1944 itinalaga siya ni Papa Pio XII, bilang unang Obispo Auxiliar ng Lipa at siya rin ang naging Kapelyan sa Monasteryo ng Carmel sa Lipa kung saan di umanoy nag pakita ang Birheng Maria. Ang Komisyong nagsuri at nag-aral ng sinasabing Aparisyon ay naghatol na hindi paborable sa mga pangitain sa Carmel. Dahil sa kababaang loob, ang banal at masunuring Obispo Alfredo Obviar ay tumalima sa kautusan ng komisyon ng buong puso't kaluluwa ganap at hanggang katapusan ng kanyang buhay. Setyrmbre 1950, nang itinalaga siya bilang unang Administrador Apostoliko sa bagong likhang Diosesis ng Lucena at noong ika-15 ng Hulyo 1969 hinirang siya na kauna-unahang Obispo Residensyal ng Lucena. Dito niya rin itinatag ang Missionary Catechists of St. Therese of the Child Jesus taong 1958 ika-12 ng Agosto upang maging katuwang at magtataguyod ng kanyang hangarin sa pagtuturo ng Katesismo. Sa edad na 89, si Obispo Alfredo Maria Obviar ay sumakabilang buhay sa araw ng Kapistahan ni Sta. Teresita ng Batang si Jesus, taong 1978. At ngayung taon lang 2018 ika-7 ng Nobyembre itinanghal siyang Kapitapitagang Lingkod ng Dios.

PRAYER FOR THE BEATIFICATION AND CANONIZATION OF VENERABLE ALFREDO MARIA OBVIAR
Almighty and ever loving Father You always provide for your people by appointing shephered to care for them. You made Venerable Alfredo Maria Obviar a faithful priest, a true shephered to the flock, and a model to his brother priests. We thank You for having raised this servant as an example of humble obedience to the Church, a silent and committed witness to the Paschal Mystery of Jesus.We also praise You, Father, that fired with filial love for Mary, Queen of Carmel and imbued with the simplicity of St Therese You inspired Venerable Alfredo Maria to found the Institute of the Missionary Catechists of St. Therese in order to carry out the task of evangelization, an urgent task for the Church today.In Your merciful love grant us the grace we now ask-------------, so that You may be glorified and the Church may present him to the world as another witness of holiness. Through our Lord Jesus Christ, Your Son, who lives and reigns with You in the unity of the Holy Spirit, one God, forever and ever. Amen.
Our Father......Hail Mary......Glory be......
Our Lady of Mt. Carmel......Pray for us
St Joseph...............................Pray for us
St Therese..............................Pray for us
St, John Vianney...................Pray for us

*If through the Mercy of God, a favor has been granted to you through the Venerable Servant of God Alfredo Ma. ObviarEmail............sr.renerarela@yahoo.it#VenerableAlfredoMariaObviar

Comments