PANALANGIN KAY STA. ANNA SCHÄFFER
O Santa Anna Schäffer, namuhay ka bilang isang dukha, naratay sa banig ng karamdaman, nagdusa sa loob nang mahabang panahon ngunit sa kabila nito, hinayaan mong mamayani sa iyong buhay ang pagkamatiisin, pagkama-taimtimin sa panalangin at maalab na debosyon sa Banal na Eukaristiya at kay Inang Maria. Nagbunsod ang mga ito sa iyo upang mula sa iyong higaan ay makapagpatatag ka ng pananalig, makapaghilom ng pusong makasalanan at makapagbigay pag-asa sa mga nawawalan nito. Lumalapit kami sa iyo, Santa Anna,upang iyong ipakiusap sa Diyos ang aming kahilingan (sambitin ang kahilingan). Inilalapit din namin sa iyo ang aming kapwa lalo na yaong mga dukha, mga may sakit at mga dumaranas ng paghihirap. At nawa sa aming paglapit sa iyo, maranasan namin ang pag-ibig ng Diyos sa panahon ng paghihirap upang tulad mo, makapagbigay saksi kami sa pag-asa na mula sa Ebanghelyo. Amen

Comments