Mga Kapatid,
Kapayapaan!
Inaanyayahan namin kayo na sumali sa Friends of St. Anna Schäffer in Mission (FSASM). Ang grupong ito ay binubuo ng mga Pilipinong deboto kay Sta. Anna Schaffer na gustong makiisa sa layunin sa buhay ng Santa at maisangayon ang kanyang mensahe at kagandahang-loob ayon sa kakayahan ng bawat miyembro.
Layunin nito ang:
a. Maisakatuparan ang mithiin ni Sta. Anna Schaffer na mag-misyon ayon sa konteksto ng bawat miyembro o grupo.
b. Maisabuhay ang mga mensahe ni Sta. Anna sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang buhay at mga liham.
c. Maibahagi at maipakilala si Sta. Anna at ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng debosyon at gawa.
d. Makapaghikayat ng mga mananampalataya lalo’t higit ang mga may sakit, mahihirap at nahihirapan sa buhay na mag debosyon kay Sta. Anna at mapabatid din sa kanila ang kanilang posibleng misyon sa buhay.
e. Mapahalagahan ang mga mahihirap, mga may sakit at mga nagdurusa sa buhay sa pamamagitan ng panalangin at pagkakawang-gawa.
Mga konkretong gawain:
1. May sapat na kaalaman sa buhay at mensahe ni St. Anna
2. May larawan ni Sta. Anna na nakadambana sa bahay
3. Itinatalaga ang araw ng Lunes bilang tanging araw ng debosyon kay Sta. Anna
4. Dasalin ng malimit ang mga panalangin (English o Tagalog) ukol kay Sta. Anna. At makapag-nobena bago ang takdang araw ng Kapistahan.
5. Dasalin ang Chaplet of St. Anna Schaffer lalo’t higit kung Lunes.
6. Gumagawa ng paraan upang makapamigay ng estampita sa mga may sakit at nangangailangan ng panalangin.
7. Nagsusumikap na mamuhay sa kabanalan ayon sa halimbawa ni Sta. Anna.
Ito narin ang grupo ng mga tagapagpalaganap o promoters of devotion to St. Anna. Ang mga pangalan ng mga miyembro ay isusumite sa Dambana ni Santa Anna Schaeffer sa Mindelstteten, Germany at espesyal na makakaisa sa mga panalangin lalo’t higit sa mga ginaganap sa naturang dambana.
Pakisabihan lamang kami kung nagpasya ka na na sumali. Salamat po.
Kaisa ninyo kay Sta. Anna,

Comments