“KAIBIGAN”

The Solidarity of All Saints and the Sacred Heart of Jesus

Sa bawat pagkinang ng iyong mga bagang
Kaydami-daming emosyong nakabitin
Sa kawalan nagiisang naka-abang
Na hindi madaling mawari sa tingin

Pagkatapos lumipas ng mga araw
Sa Kanyang mga pighating nangingibabaw
Tila’y biglang naglaho at nalulusaw
Laging nasa isipan niya’t balintataw


Kaibigan na laging masasandalan
Kahit kalungkutan o saya ma’y nandiyan
Kay raming mga alaalang nakalaan
Lumipas ma’y nakatanim sa isipan

Dahil sa kanila’y ikaw ay natuto
Na maging ikaw at magpakatotoo
Tumayo’t humarap sa maramig tao
Sila ay nandyan susuporta sa iyo

Mga kaibigang higit pa sa totoo
Laging aagapay at nasa likod mo
Sila ang ilaw sa madilim mong mundo
Mga kaibigang may puwang sayong puso


The Solidarity of All Saints

Comments