Panalangin kay Sta.Anna Schaffer
O Santa Anna Schäffer, ang buhay mo ay puspos ng kabanalan, pagtitiis, at pag-asa. Dahil sa iyong pakikiisa sa Pagpapakasakit ng Ating Panginoong Hesukristo at pagmamahal sa iyong kapwa, kaya’t nasabi mo: ”Ang lahat ng tumatawag sa akin ay aking tutulungan”. Narito kami Santa Anna Schäffer tumatawag sa iyo at pinapakiusap ang aming mga kahilingan (banggitin ang kahilingan). Umaasa na kami ay iyong tutulungan at makiusap sa Diyos para sa aming kapakanan. Ngunit tulungan mo rin nawa kami na maging mapagpasensya, na mamuhay ng may pag-asa at may kahandaang tanggapin ang kalooban ng Diyos para sa aming kahilingan. Gayundin, palagian nawa naming sambitin sa lahat ng pagkakataon ng aming buhay ang iyong sinabi: "Diyos ko, salamat sa Iyo! Diyos ko, mahal Kita!” Amen.

Comments